Home LIFESTYLE HEALTH Trial sa 2 posibleng gamot laban Ebola, sinimulan sa DR Congo

Trial sa 2 posibleng gamot laban Ebola, sinimulan sa DR Congo

1
0

KINSHASA, DR Congo – Sinimulan na sa Democratic Republic of Congo (DR Congo) ang clinical trial ng dalawang posibleng gamot laban sa Bundibugyo strain ng Ebola, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa ngayon, wala pang aprubadong bakuna o gamot laban sa bihirang uri ng Ebola na ito.

Ayon sa WHO, may 1,406 kumpirmadong kaso, 438 kumpirmadong namatay, at 208 gumaling mula sa sakit sa DR Congo.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na na-enroll na ang unang pasyente sa pag-aaral.

“Today, the clinical trial of two therapeutics began, with the enrolment of the first patient.”

Sinusuri sa trial ang monoclonal antibody MBP134 at ang antiviral drug na remdesivir, na gagamitin nang magkahiwalay at pinagsama upang malaman kung alin ang mas epektibo.

Makakatanggap ang lahat ng kalahok ng kumpletong gamutan at mahigpit na pagmamanman habang isinasagawa ang pag-aaral.

Posibleng tumagal ng ilang buwan o hanggang sa susunod na taon ang trial at maaaring mangailangan ng mahigit 1,000 pasyente. May sapat nang suplay ng gamot para sa 1,200 kalahok.

Sa kasalukuyan, nasa 31 porsiyento ang case fatality rate ng outbreak.

“Even without approved therapeutics, people are recovering from this disease, but of course, we could save many more lives with safe and effective therapeutics in our toolkit.”

Patuloy ding nahaharap sa hamon ang Ebola response dahil sa kaguluhan sa lugar. Nitong linggo lamang, sinalakay at sinunog ang isang Ebola treatment center sa Ituri province, ikinamatay ng dalawang tao at ikinatakas ng mga pasyente.

“Such acts not only endanger patients and health workers but also impede efforts to stop transmission and save lives.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here