MANILA, Philippines – Nagliyab ang isang tricycle sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila, Biyernes ng umaga, Abril 11.
Ayon sa drayber ng tricycle, binabaybay nito ang panulukan ng Kalaw at Roxas Boulevard nang mapansin na may usok ang kanyang minamaneho.
Sa inisyal na impormasyon, patungo sana ito sa Taft Avenue nang mangyari ang insidente.
Sinubukan naman ng drayber na buhusan ng tubig ang nasusunog na tricycle ngunit hindi siya nagtagumpay.
Bahagya namang bumagal ang daloy ng trapiko kaya naman agad na umalalay ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para makontrol ang trapiko sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden