Home METRO Trike driver laglag sa P612K shabu sa QC

Trike driver laglag sa P612K shabu sa QC

184
0

MANILA, Philippines – Arestado ang 21-anyos na tricycle driver matapos itong mahulihan ng illegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Payatas A, Quezon City, nitong Linggo ng madaling-araw, Pebrero 2.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 13, isinagawa ang operasyon sa sumbong sa umano’y illegal na gawain ng suspek sa naturang barangay.

Nakuha sa suspek ang 90 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P612,000.

Narekober din sa suspek ang buy-bust money, kulay itim na coin purse, at cellphone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here