Home NATIONWIDE Trillanes: Paglutang ng 18 ex-Marines pakana ng kampo ni Duterte

Trillanes: Paglutang ng 18 ex-Marines pakana ng kampo ni Duterte

178
0

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni dating Senator Antonio Tillanes IV na ang Duterte Camp umano ang nasa likod ng paglutang ng 18 ex-Marines kung saan isa siya sa mga inakusahan ng mga ito.

“Hinala ko na ito ay gagamitin ni Kaufman para panabotahe dun sa trial dun sa kaso sa The Hague.”

Aniya, naisakatuparan nga ito dahil nitong Miyerkules, Marso 4 ay sinabi ni Kaufman na gagamitin niya ang mga alegasyon na ginawa nina Atty. Levi Baligod.

Sa panayam ng mga mamamahayag matapos siyang maghain ng kasong kriminal sa Department of Justice laban sa 18 ex-Marines at iba pang personalidad, sinabi ni Trillanes na mayroon siyang ebidensya kaya niya nasabi na kampo ng mga Duterte ang nasa likod ng mga akusasyon at alegasyon laban sa kanya.

“Unang-una they stand to benefit most dito sa pangyayaring ito,” ani Trillanes.

Bukod dito, marami rin aniya siyang nalalaman at nakalap na ebidensya at impormasyon na nagtuturo sa grupo nila.

Kumpiyansa si Trillanes na kalaunan ay may ilan sa 18 Marines ang aamin kung sino talaga ang nasa likod ng kanilang paglutang at kung ano ang plano, magkano ang proyekto, ano ang kapalit sa ginawa nila at kung ano ang ibinigay sa kanila o nagpondo rito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here