Home NATIONWIDE Government employee nalambat sa P1.3M shabu sa Albay

Government employee nalambat sa P1.3M shabu sa Albay

151
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 5 (Bicol) ang isang babaeng job order employee sa pagkakaroon ng mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu sa operasyon sa Ligao, Albay nitong Miyerkules, Marso 4.

Sa report, kinilala ang suspek na si alyas Nef, 46, job order employee ng lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay.

“The suspect, classified as a high-value target, was caught during the operation with 200 grams of suspected shabu,” saad sa report ng ahensya.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Special Enforcement Team 1 ng Region 5, sa tulong ng iba pang PDEA team at tauhan mula sa iba’t ibang provincial police units.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here