Home NATIONWIDE Tulfo naghain ng panukala sa awtomatikong suspensyon ng excise tax, VAT sa...

Tulfo naghain ng panukala sa awtomatikong suspensyon ng excise tax, VAT sa petroleum products

173
0

MANILA, Philippines -Para kay Senate Committee on Foreign Relations Chairman at Vice Chairman ng Finance Committee na si Senador Erwin Tulfo, mas mahalaga sa ngayon ang kapakanan ng mga Pilipino kaysa sa kita ng gobyerno.

Dahil dito ay naghain siya ng Senate Bill number 1935 na naglalayon na amyendahan ang Sections 106, 107, at 148 ng Tax Code, o ang awtomatikong suspensyon sa Excise Tax at Value Added Tax sa presyo ng langis sakaling umabot ang presyo nito sa $80 dollars per barrel sa world market dahil sa patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Tulfo, ang hakbang na ito ay nagtatakda ng malinaw na batayan para sa tulong, lalo na sa mga hindi inaasahang kaganapan sa labas ng bansa na may malaking epekto sa presyo ng langis.

Binigyang-diin din ng senador na ang panukala ay magsisilbing pansamantalang ginhawa lalo na para sa mga minimum-wage earners.

Ayon sa kanya, kailangang magkaroon ng balancing act at dapat tiyakin na ang kapakanan ng mga karaniwang Pilipino ang prayoridad sa gitna ng krisis.

Hindi naman tutol si Senador Erwin sa panukalang gamitin na ang contingency fund o ang Tawid Pampasada Program, subalit mas naangkop ngayon sa emergency situation ang awtomatikong pagsuspinde ng excise tax at VAT sa langis.

Aniya, lahat ay makikinabang dito hindi lamang PUV drivers kundi maging ang ordinaryong mamamayan.

Samantala, nangangamba naman si Tulfo sa pahayag ng isang ahensya ng pamahalaan na kung hindi agad aaksyunan ito ay aabot sa P80 per liter ang presyo ng gasolina sa merkado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here