Home NATIONWIDE Tropa ng militar sa Palawan binisita, pinuri ni Bong Go

Tropa ng militar sa Palawan binisita, pinuri ni Bong Go

MANILA, Philippines – Binisita ni Senador Christopher “Bong” Go ang tropa ng Air Force na nakatalaga sa Puerto Princesa City, Palawan noong Miyerkules.

Ang pakikipag-usap ng senador sa mga sundalo ay naaayon sa kanyang pagsisikap na suportahan ang mga kawal ng pamahalaan bilang vice chair ng Senate committee on national defense and security.

Tinalakay ni Go sa kanyang pagbisita ang kasalukuyang kalagayan at hamon na kinakaharap ng bansa kasabay ng pagtiyak na ang mga sundalo ay makakukuha ng suporta at mga kailangan upang maisagawa nang epektibo ang kanilang tungkuling protektahan ang mga interes ng bansa.

Sinamantala rin niya ang pagkakataong ipahayag ang kanyang pagpapahalaga sa dedikasyon at sakripisyo ng mga sundalo upang matiyak ang kapakanan at seguridad ng bawat Pilipino.

Binigyang-diin din ni Go ang kanyang legislative efforts para mapahusay ang kapakanan ng uniformed personnel.

Naging instrumento siya sa pagsusulong ng ilang batas at programa para palakasin ang pambansang seguridad at isulong ang kapakanan ng militar.

Sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, dinoble ang entry level salary para sa mga unipormadong tauhan na sumasalamin sa kanyang pangako sa pagtataguyod ng kanilang kapakanan at pagkilala sa kanilang mga sakripisyo.

Noong siya ay Special Assistant to the President pa lamang, nakipagtulungan si Go sa mga policymakers upang matiyak na ang pangakong ito ay natupad ng dating Pangulo.

“Noong 2018, tinupad po (ni dating pangulong Duterte) ang pangako na idoble po ang sahod ng entry position ng ating mga uniformed personnel at hanggang ngayon, ipaglalaban ko po kayo. Bilang vice chairperson po ng Senate Committee on National Defense, vice chairperson rin po ng (parehong komite sa) Commission on Appointments at ng (Senate Committee) on Public Order, ipaglalaban ko po ang ating mga uniformed personnel always,” ani Go.

Higit pa rito, batay sa tagumpay ng Salary Standardization Law (SSL) 5, na isinulat at itinaguyod ni Go noong 2020, nagbigay ito ng mas mataas na kompensasyon para sa lahat ng manggagawa sa gobyerno.

Inihain kamakailan ang Senate Bill No. 2504, iminungkahi ni Go ang isa pang pagtaas ng suweldo para sa mga empleyado ng gobyerno sa pamamagitan ng SSL6, kung maisabatas.

Si Go din ang co-author ng Republic Act 11549, isang makabuluhang batas na nagrerebisa sa minimum height standards para sa mga kandidatong nag-aaplay sa iba’t ibang law enforcement agencies. Kabilang dito ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

“Salamat sa inyong pagseserbisyo. Alam na alam ko ang trabaho ng isang sundalo. Mahirap mapalayo sa pamilya. Salamat sa inyong serbisyo. Walang katapusan po kaming nagpapasalamat sa inyo,” anang mambabatas.

Samantala, nagbigay ng iba’t ibang anyo ng suporta si Go at ang kanyang Malasakit Team tulad ng grocery packs sa may 730 tropa magingsa mga barangay health workers na nakatalaga roon. RNT