MANILA, Philippines – Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang bagyo 555 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Samantala, makakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon na magdadala ng pag-ulan.
Makararanas ang Zambales, Bataan, at Palawan ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC