MANILA, Philippines – Binabantayan ng PAGASA ang Tropical Storm Nangka na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 10 a.m. update nitong Miyerkules, sinabi ng PAGASA na ang sentro ng bagyo ay nasa 2,080 kilometro silangan ng pinakahilagang bahagi ng Luzon batay sa 8 a.m. na obserbasyon.
Taglay ng Nangka ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugsong hanggang 80 kph.
Kumikilos ito pasilangan sa bilis na 10 kph.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang kanilang mga pinakabagong weather update. RNT/MDS