MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang trough ng Super Typhoon Choi-Wan sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Mindanao, Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Leyte, at Southern Leyte dahil dito.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC