Home NATIONWIDE Truck ban pansamantalang inalis sa Cebu

Truck ban pansamantalang inalis sa Cebu

337
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Governor Pamela “Pam” Baricuatro ang pansamantalang pag-aalis ng truck ban sa lahat ng national at provincial roads sa probinsya ng Cebu.

Pinirmahan ni Baricuatro ang Executive Order No. 58 na nagbibigay-daan sa libreng pagdaan ng mga sasakyan na magbibiyahe ng relief goods, construction materials, basic commodities, at iba pang essential cargo sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol sa Cebu noong Martes.

Kasunod nito, inatasan ang Philippine National Police, sa pakikipagtulungan sa local traffic enforcement units na ipatupad ang kautusan.

Epektibo kaagad ang kautusan at mananatili hangga’t hindi pa inaalis ang State of Calamity sa probinsya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here