Home METRO Drayber ng trak nakorner sa ibinentang iligal na boga

Drayber ng trak nakorner sa ibinentang iligal na boga

118
0

BATAAN- Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ng mga awtoridad ang 52 anyos na truck driver na si Alyas “Jay-Ar”, matapos maaktuhan ang suspek na nagbenta ng hindi lisensiyadong baril sa undercover police sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Pag-Asa, Dinalupihan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang bentahan ng baril matapos magpanggap na buyer ang undercover police.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa plano ng suspek na ibenta ang kanyang iniingatang hindi lisensiyadong baril para ipantustos sana sa umano’y bisyo nito, kaya ikinasa ang operasyon.

Giit ng suspek, ipinatubos lang daw sa kanya ang baril na isinangla din sa kanya ng hindi kilalang indibidwal na hindi na umano nakipagkita sa kanya, kung saan nang mangailangan ay naisipan niyang ibenta ito.

Huli sa akto ang suspek na inaabot ang isang baril at magazine habang tinatanggap ang boodle/marked money na kabayaran sa loob ng isang sasakyan.

Narekober sa suspek ang isang caliber 9mm na baril, magazine at mga bala at ang marked money/boodle money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here