Home NATIONWIDE Trump at Zelenskyy nag-usap sa libing ni Pope Francis

Trump at Zelenskyy nag-usap sa libing ni Pope Francis

Nagkita sina United States President Donald Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa libing ni Pope Francis sa Vatican noong Sabado, Abril 26.

Ayon kay Ukrainian president’s spokesman, Serhii Nykyforov, nag-usap ang dalawang lider ng ilang minuto sa loob ng St. Peter’s Cathedral bago lumabas sa plaza.

Napagkasunduan nilang ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap sa farewell ceremony.

Mahigit 160 delegasyon at 250,000 katao ang dumalo sa libing. RNT