Home NATIONWIDE Trump ligtas kasunod ng panibagong assassination attempt

Trump ligtas kasunod ng panibagong assassination attempt

MANILA, Philippines- Ligtas si Republican presidential candidate Donald Trump nitong Linggo matapos ang ayon sa FBI ay tila ikalawang assassination attempt habang siya ay naglalaro ng golf sa West Palm Beach, Florida.

Sinabi ng law enforcement officials na namataan ng U.S. Secret Service agents at pinaputukan ng baril ang isang gunman sa talahiban malapit sa property line na nakaiwan ng AK-47-style assault rifle at nadakip matapos tumakas.

Kinilala ng New York Times at Fox News ang suspek na si Ryan Wesley Routh, 58, ng Hawaii, batay sa hindi pinangalanang law enforcement officials.

Tumangging magbigay ng pahayag ang FBI sa pagkakakilanlan ng suspek, habang hindi tumugon ang kaukulang law enforcement agencies sa hiling na magkomento ang mga ito.

Nagpadala ng email si Trump sa kanyang fundraising list na sinasabing mayroong “gunshots in my vicinity, but before rumors start spiraling out of control, I wanted you to hear this first: I AM SAFE AND WELL!” saad sa email batay sa ulat ng Reuters.

Matatandaang nagtamo ng sugat si Trump sa assassination attempt sa Pennsylvania noong Hulyo 13, bago sumapit ang Nov. 5 election kung saan makakalaban niya si Democratic Vice President Kamala Harris.

Inihayag ng White House na alam na nina President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ang tungkol sa insindente.

“Violence has no place in America,” giit ni Harris sa X social media post. RNT/SA