Home NATIONWIDE Trump: Mamamayan ng 12 bansa bawal pumasok sa US

Trump: Mamamayan ng 12 bansa bawal pumasok sa US

USA – Ipinagbawal ni US President Donald Trump ang pagpasok sa Amerika ng mga mamamayan mula sa 12 bansa simula Lunes, Hunyo 9.

Kabilang sa mga bansang apektado ang Afghanistan, Burma, Chad, Congo, Equatorial Guinea, Eritrea, Haiti, Iran, Libya, Somalia, Sudan, at Yemen.

May bahagi ring entry ban sa mga mamamayan ng Burundi, Venezuela, Cuba, Laos, Sierra Leone, Togo, at Turkmenistan, na limitado sa ilang uri ng visa.

Ayon sa proklamasyon, mananatiling valid ang mga visa na naibigay bago ipatupad ang kautusan. RNT