Home OPINION TRUMP NAMAMALIMOS NG KAKAMPI

TRUMP NAMAMALIMOS NG KAKAMPI

182
0

MATAPOS guluhin at lumikha ng katakot-takot na krisis at kahirapan sa lahat ng tao sa buong mundo para lang kumita ang kanyang bansa, namamalimos ngayon si United States President Donald Trump ng mga kakampi.

Naghahanap siya ng kakampi upang buksan ang Strait of Hormuz na isinara ng Iran at pinagmumulan ng krisis sa mundo sa suplay at presyo ng langis.

Isinara ng Iran ang Strait of Hormuz bilang ganti sa US, kasama ang Israel, sa pagpatay ng huli sa mga opisyal ng pamahalaan nito at 1,400 Iranian at upang maangkin nila ang langis ng Iran na pangatlo sa buong mundo sa may pinakamalaking deposito ng langis.

Inakala ng US na para lang itong Venezuela na makaraang arestuhin at kulungin ang Pangulo nitong si Nicolas Maduro, naangkin kaagad ng US ang Venezuela na may pinakamalaking deposito ng langis sa mundo at ngayo’y pinagkakakitaan na nito.

Ganito rin ang pakay ng US sa Iran.

Sa Strait of Hormuz dumaraan lahat ang oil tanker na kumakarga at nagbibiyahe ng 20 milyong bariles araw-araw mula hindi lang sa Iran kundi sa Saudi Arabia, Iraq, Kuwait, Bahrain, Qatar, Oman at United Arab Emirates.

Ngayon, ayaw ng Australia, Japan, European Union at iba pa ang magpadala ng mga barko de giyera para sirain at supilin ang Iran na nagsara nito.

Tanging ang China, India at Turkey ngayon ang pinapayagan ng Iran na pumasok sa Persian Gulf para maglabas ng langis patungo lalo na sa Asya, kasama ang Pilipinas.

Dahil sa pagtanggi ng halos lahat ng bansa na tumulong sa US, nagbabanta ngayon si Trump na ang ayaw sumali ay pagbawalan nitong makinabang sa langis ng Iran at mga nasabing Arabong bansa matapos na “magwagi” umano ito laban sa Iran.

Paano kung maging Vietnam o Afghanistan ang giyera na ikinatalo ng US at paano ang Pinas na biktima ng giyera ng US?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here