Home HOME BANNER STORY Trust, approval rating ni PBBM, lagpak; VP Sara, nag-improve

Trust, approval rating ni PBBM, lagpak; VP Sara, nag-improve

MANILA, Philippines – LUMAGPAK ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nito lamang buwan ng Marso.

Taliwas naman ito sa nakitang pagbuti ng trust at performance ratings ni Vice-President Sara Duterte.

Makikita sa resulta sa kamakailan lamang na survey ng Pulse Asia Research para sa kanilang March 2025 Ulat ng Bayan survey, bumaba ng 17% puntos ang approval rating ni Pangulong Marcos mula sa 42% noong Pebrero sa 25% nitong Marso.

Ang kanyang disapproval rating ay umakyat naman ng 21 puntos o 53%.

Sinasabing mayorya ng mga Pilipino o 54% ay nagpahayag din ng kanilang kawalan ng tiwala sa Pangulo, tumaas mula sa dating 32%. Bumaba rin ang kanyang trust rating 42% noong Perbrero ay naging 25% nitong Marso.

Samantala, tanging si VP Sara lamang ang mataas na opisyal ng pamahalaan na nakakuha ng maayos na performance ratings, ang kanyang approval rating ay tumaas ng 59% mula sa 52%; at ang disapproval rating naman nito ay bumaba sa 16% mula sa 26%.

Tumaas din ang trust score ni VP Sara ng 8% puntos mula 53% noong pebrero ay naging 61% ng Marso.

Ang survey ay isinagawa mula March 23 hanggang 29, 2025, may 2,400 adult Filipino ang kinapanayam sa pamamagitan ng multi-stage probability sampling. RNT