Home HOME BANNER STORY DQ case vs congress candidate Sia isinampa ng COMELEC

DQ case vs congress candidate Sia isinampa ng COMELEC

Nagsampa ng motu propio petition for disqualification ang Task Force Safe sa Office of the Clerk of Commission laban kay Pasig City congressional candidate Christian Sia ngayong Miyerkules ng umaga.

Ito ay dahil hindi kuntento ang Task Force sa naging paliwanag ni Sia matapos siyang bigyan ng show cause order.

Sabi ni Atty. Sonia Bea Wie-Lozada, head ng Task Force, sakaling manalo si Sia sa halalan ay hiniling rin nila na huwag muna itong iproklama hanggat hindi pa nadedesisyunan ang petisyon.

Ayon sa opisyal, na maaring panimula palang ito dahil marami pang bibigyan ng show cause order dahil sa paglabag sa kanilang anti-discriminatory resolution. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)