MANILA, Philippines – Magtatalaga ang Philippine National Police (PNP) ng humigit-kumulang 58,000 pulis sa buong bansa para sa seguridad ngayong Holy Week 2025.
Ayon kay PNP Chief General Rommel Marbil, 85% ay nakatalaga sa field habang 15% ay nasa administrative duties.
Bibigyang seguridad ang mga kalsada, tourist spots, at mga bahay na iiwan ng may-ari.
Paalala ni Marbil sa publiko na maging mahinahon sa biyahe, isara ang bahay bago umalis, at mag-ingat sa mga gamit.
“Before you leave, you make sure na yung lugar niyo po is really safe yung mga bahay po i-lock niyo po ‘yan. Let us not give them opportunity po doon sa mga masamang loob na pumasok po yung sa bahay natin na wala po tayo. Please be safe with sa mga ari-arian po natin,” dagdag pa niya. Santi Celario