Home METRO Tserman nagpatiwal sa loob ng barangay hall

Tserman nagpatiwal sa loob ng barangay hall

MANILA, Philippines – HINIHINALANG nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili ang isang barangay chairman matapos itong matagpuang duguan at walangbuhay sa kanyang barangay hall nitong Miyerkoles, Setyembre 18 sa Barangay Lumbangan, sa Nasugbu, Batangas.

Natagpuang dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 45 pistol, ang biktimang si Arnold Mendoza, 53-anyos, may-asawa, isang barangay chairman.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng Nasugbu Municipal Police Station huling nakita nang buhay ang biktima bandang 8:35 ng umaga.

Ilang minuto lang ang nakararaan nang makarinig ng putok ang kanyang mga kaopisina kung saan nakita na lang nila ang kanilang kapitan na duguan at wala nang malay habang nakaupo.

Napag-alaman sa isinagawang masusing imbestigasyon ng pulisya na ikinokonekta umano ang kapitan sa isang anomalya na posible umanong dahilan ng kanyang pagpapatiwakal. Ellen Apostol