Home METRO Anti-dengue ops isinagawa sa Manila City Jail

Anti-dengue ops isinagawa sa Manila City Jail

NAGSAGAWA ng misting at fumigation ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Health Department (MHD) sa Manila City Jail Male Dormitory upang maprotektahan ang mga person deprived of liberty (PDL) mula sa nakamamatay na sakit na dengue.

Ayon sa pamunuan ng Manila City Jail, layon ng nasabing hakbang na alisin ang breeding grounds o paanakan ng mga lamok at maiwasan ang posibleng pagdami ng mga ito bilang bahagi na din ng pag-iingat at kaligtasan ng kanilang mga tauhan gayundin ng mga PDL.

Bukod sa nasabing misting at fumigation, naghatid din ang Manila City Jail Male Dormitory ng 1,500 “Pandelino’’ bread packs para sa “Kalinga Sa Maynila Program’’ na isinagawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang tinapay ay ipinamahagi sa mga residente ng Barangay 354, 357, at 358 bilang bahagi ng inisyatiba na pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sinabi nito na “Ang Kalinga Sa Maynila’’ program ay hindi lamang sumusuporta sa mga residente ng lungsod kundi tumutulong din sa programang pangkabuhayan ng jail facility sa pamamagitan ng pagbili ng tinapay na ginawa ng mga PDL nito. Jay Reyes