Home NATIONWIDE Tserman nakuhanan ng mga baril at bala, arestado

Tserman nakuhanan ng mga baril at bala, arestado

214
0

AKLAN- ARESTADO ang isang barangay chairman matapos makuhanan ng mga bala at baril na umano’y walang mga kaukulang papeles, sa isinagawang search warrant ng pulisya, nitong Linggo, Pebrero 1 sa bayan ng Altavas.

Kasalukuyang nasa himpilan ng Altavas Municipal Police Station (MPS) si Barangay Chairman Edelberto Domingo 52, ng Brgy. Dalipdip, Altavas, Aklan.

Sa pinagsamang operasyon ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Aklan at Altavas PNP, hinalughog ang bahay ng suspek nitong Linggo ng umaga sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang unit ng break-type 12-gauge shotgun na may naka-kasang mga bala; 8 pirasong 12-gauge shotgun ammunition; 1 break-type 12-gauge shotgun barrel (loaded); 26 caliber .22 ammunition; isang unit ng caliber .22 revolver na may defaced serial number (loaded ng 5 live rounds); at isang unit ng air pellet gun na may silencer at scope.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa sa kasong paglabag a Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition si Domingo.

Depensa ni Domingo, proteksyon sa sarili ang naturang mga baril.

Subalit nakatanggap ang pulisya ang intel report na ang mga tinatagong armas ng suspek at ginagamit umano sa iligal na gawain. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here