Home NATIONWIDE Ex-House SecGen pinangalanang bagong Senate secretary

Ex-House SecGen pinangalanang bagong Senate secretary

264
0

MANILA, Philippines – Pinangalanan si dating House Secretary General Mark Llandro “Dong” Mendoza bilang bagong secretary ng Senado.

Kasabay ng sesyon ng Senate plenary nitong Lunes, Pebrero 2, nagsagawa ng nominasyon si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para sa paghalal kay Mendoza bilang secretary ng mataas na kapulungan.

Inaprubahan naman ang mosyon sa pamamagitan ng viva voce at walang pagtutol.

“I nominate Mark Llandro Mendoza as the new secretary of the Senate,” ani Zubiri.

Makasaysayan ang pagkakatalaga kay Mendoza dahil siya ang kauna-unahang dating House secretary-general na magsisilbi bilang Senate secretary.

Ang dating Batangas representative ay naging secretary-general ng Kamara mula 2020 hanggang 2022.

Siya ay kalauna’y naging presidential adviser on legislative affairs mula 2022 hanggang 2025.

Bilang Senate secretary, pangangasiwaan ni Mendoza ang administrative at legislative operations ng kapulungan kabilang ang kapakanan ng mga empleyado.

Pinalitan niya si dating Senate Secretary Renato Bantug, na nagretiro na sa serbisyo.

Samantala, itinalaga rin ng Senado si retired Major General Edgardo Rene Samonte bilang Senate sergeant-at-arms (SAA). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here