Home NATIONWIDE Tsina may interes makialam sa eleksyon sa Pinas – Gibo

Tsina may interes makialam sa eleksyon sa Pinas – Gibo

(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines- May nteres ang Tsina na makialam sa eleksyon sa Pilipinas.

Ito ang tinuran ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.

“‘Yang China talagang may interest na pakialaman ang eleksyon dito dahil obvious na obvious ‘yan at nakikialam naman talaga yang mga yan kasi nasa DNA nila yan,” wika ng opisyal.

“‘Yan ay laging present hindi lamang sa china kung hindi non-state rogue actors.”

“‘Yung ibig sabihin, ‘yang China 1949 pinanganak ‘yan sa rebolusyonaryong pamamaraan at isang mission statement ni Mao Tse Tung is to spread revolution worldwide. Continuous revolution,” patuloy ni Teodoro.

Nauna rito, sinabi naman ni National Security Council spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya noong Abril 24 sa Senate committee na mayroong indikasyon na nakikialam ang Tsina sa midterm elections sa bansa.

Itinanggi naman ng Tsina ang nasabing alegasyon.

Sa isang press conference, sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun na, “China follows the principle of non-interference in other countries’ domestic affairs.”

“We have no interest in interfering in Philippine elections,” dagdag niya.

Ani Teodoro, nagsagawa ang Tsina ng “united front works” sabay sabing ang Beijing ay mayroong government department para sa naturang operasyon.

Sinabi pa rin ng Kalihim, ginagawa ito ng Tsina sa pamamagitan ng “illegal, coercive, aggressive and deceptive actions.” Kris Jose