Home NATIONWIDE Tsina sa PH politicians: Isyu sa pag-eespiya, itigil

Tsina sa PH politicians: Isyu sa pag-eespiya, itigil

0
Tsina sa PH politicians: Isyu sa pag-eespiya, itigil

Manila, Philippines — Nanawagan ang Gobyernong Tsino sa mga politiko ng Pilipinas na huwag gamiting isyu laban sa Tsina ang pagkakaaresto sa isang Chinese national na hinihinalang espiya malapit sa Comelec main office noong Martes.

Ayon sa Chinese Foreign Ministry spokesperson na si Guo Jiakun, nakikipag-ugnayan na ang kanilang pamahalaan sa mga Philippine authorities upang makakuha ng karagdagang impormasyon kaugnay sa insidente.

“We will not interfere and have no interest in interfering in the relevant internal affairs of the Philippines,” ani Guo. “We advise certain politicians in the Philippines not to use it as an opportunity to propagate China-related issues and make groundless accusations for selfish gains.”

Samantala, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi isinasantabi ang posibilidad na maimpluwensiyahan ang halalan dahil sa posibleng datos na nakuha mula sa kagamitan ng suspek.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, ang naarestong Chinese national ay may dalang IMSI catcher o International Mobile Subscriber Identity device—isang teknolohiya na kayang sumagap ng impormasyon gaya ng mga personal messages mula sa cellphone ng mga indibidwal.

Paliwanag pa ni Lavin, kung mapatunayang may na-store na data mula sa mga device ng mga Pilipino, maaaring gamitin ito upang manipulahin ang resulta ng halalan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here