Home NATIONWIDE Tsismis ng pagtakbong presidente sa 2028 polls binasag ni Isko

Tsismis ng pagtakbong presidente sa 2028 polls binasag ni Isko

212
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – “Sa Maynila lang ako, steady sa gedli!”

BINASAG na ni Manila Mayor Isko Moreno ang umugong na tsismis na tatakbo siyang Pangulo sa 2028 elections.

Sa halip, malinaw ang pahayag ng alkalde—muli siyang tatakbo bilang Mayor ng Maynila para sa kanyang ikalawang termino.

Umingay ang pangalan ni Yorme matapos maiugnay sa umano’y posibleng tandem kay Leni Robredo sa presidential bid. Pero agad itong pinutol ng alkalde.

“Pabayaan n’yo na ako sa Maynila, steady na lang ako sa gedli,” ani Yorme.

Nagpasalamat din ito kay Pangulong Bongbong Marcos dahil sa tulong umano sa lungsod.

“I as Mayor of Manila, on behalf of the people of Manila, we are very grateful to the President Bongbong Marcos of this state. That’s a whole-hearted, grateful City of Manila, especially with our fiscal situation. Thank you talaga, sobrang excited ko,” pahayag pa ni Domagoso sa isang panayam.

Nang tanungin kung may kumakausap na ba sa kanya ukol sa 2028, diretsahan ang sagot ni Yorme. Kinumpirma niyang tatakbo siya—pero bilang Mayor pa rin ng Maynila.

Sa ngayon, malinaw ang mensahe ni Isko: Maynila muna, bago ang Malacañang. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here