ILOCOS SUR- Bilang paghahanda sa kalamidad, magsasagawa ng tsunami drill ngayong buwan sa mga baybaying lugar sa lalawigang ito pagkatapos ng naranasang magnitude-8 na lindol.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Janette Rabara, magdaraos ng tsunami drill ang coastal town ng Santa Catalina kung saan apat na barangay ang nasasakupan nito na posibleng tumbukin ng tsunami.
Aniya, maglalabas na rin ang lokal na pamahalaan ng mga ruta sa tatlong evacuation center sa kalapit na Vigan City at Bantay – Bantay Arcade sa Bantay at Quirino Stadium at Farmers Livelihood Development Center sa Vigan City.
Ang apat na baybaying barangay sa Santa Catalina, Cabitaogan, Subec, Paratong, at Tamorong ang pinakamahinang mga lugar.
Naitala ang serye ng mga offshore earthquake sa karagatan ng Santa Catalina Ilocos Sur nitong mga nakaraang araw.
Dagdag pa ni Rabara, kahit maliit ang bilang ng mga naapektuhan ay kailangang manatiling alerto at handa sa lahat ng oras. Mary Anne Sapico