Home HOME BANNER STORY Tsunami warning ng PHIVOLCS sa M-7.4 na lindol, inalis na

Tsunami warning ng PHIVOLCS sa M-7.4 na lindol, inalis na

MANILA, Philippines – Inalis na ng PHIVOLCS ang Tsunami Warning na itinaas kasunod ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2.

“Sea level monitoring stations confirmed the occurrence of tsunami with preliminary wave heights of 0.64 meter in Mawes Island, Hinatuan, 0.18 meter in Lawigan, Bislig City, 0.05 meter in Port of Dapa, Surigao del Norte and 0.08 meter in Mati, Davao Oriental,” ayon sa PHIVOLCS sa isang abiso na inilabas 3:23 ng umaga.

“The last recorded tsunami wave arrival in the Philippines occurred at 02:52 AM (PST) at Hinatuan-Bislig Bay Station on Mawes Island. This means that the tsunami threat associated with this earthquake has now largely passed the Philippines,” pahayag ng ahensya.

Dahil dito, kinansela na ng PHIVOLCS ang babala at inabisuhan ang lokal na pamahalaan na suriin ang sitwasyon sa lugar.

“The local government of threatened coastal areas should take actions to assess the tsunami‚Äôs impact and accordingly inform and instruct the coastal population at risk,” sinabi ng ahensya.

“Boats at sea are still advised to follow instructions from the Coast Guard or appropriate port authorities as they safely return to the coast. This will be the final tsunami information issued for this event,” pagtatapos ng PHIVOLCS. RNT/JGC

Previous articleSurigao del Sur niyanig ng M-7.4 na lindol
Next articleLotto Draw Result as of | December 2, 2023