Home NATIONWIDE Tubig-ulan target gamitin ng DA sa irrigation system

Tubig-ulan target gamitin ng DA sa irrigation system

MANILA, Phiippines- Nagpatulong na si Department of Agriculture (DA) sa isang Vietnamese expert para magtayo ng irrigation systems sa apat na patag na lupaing sa Pilipinas.

Ayon sa DA, ang bagong pamamaraan ay inaasahan na magiging 50% na mas mura kaysa sa traditional irrigation projects sa Pilipinas.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na nakita niya at ng mga opisyal ng DA ang teknolohiya habang tinitingnan kung paano ang Vietnam, kung saan ang 95% ng patag na lupain ay irigado (irrigated), ginagamit ang Mekong River at iba pang resources sa irrigation systems nito.

“We saw how they controlled the flood and harnessed the water. Instead na iniiwan nila yung tubig diyan at baha… Gumawa sila ng canal system,” ang sinabi ni Laurel sa mga mamamahayag sa sidelines ng isang event sa Makati.

“Yung canal system nila, ginamit lang nila backhoe, wala man lang semento masyado, then may mga flood gates na nilagay…Yun na din yung transport system nila for rice. Instead na truck-truck, sila barko barkong rice yung lumalabas, sa loob ha, sa inland. It’s a novel idea na nagustuhan namin,” aniya pa sabay sabing, “So far, less than 50 percent of farmlands in the Philippines are irrigated.”

“If we irrigated all our flatlands, technically may surplus pa tayo, puwede pang mag-export,” pahayag ni Tiu-Laurel.

Ang halaga aniya ng irrigation projects sa Pilipinas ay kadalasang P1 milyon sa bawat ektarya, subalit ang bagong pamamaraan mula sa Vietnam ay nagkakahalaga lamang ng “maybe half” ng nasabing halaga.

“I don’t think it will be expensive kasi puro backhoe lang ang gagamitin. It’s a design using the land and just moving earth,” ayon kay Tiu-Laurel.

“The flood gates na nakita ko is very simple and cheap to do, and some pumps,” patuloy ng opisyal.

Sa kabilang dako, nakatakdang dumating sa Pilipinas sa susunod na linggo ang Vietnamese para iprisinta ang master plan para sa irigasyon sa paligid ng Candaba River Basin, Cagayan River Basin, Agusan River Basin at Liguasan Marsh.

Ang ideya aniya ay inilatag sa ibang Cabinet secretaries at nagustuhan naman aniya ng mga ito ito.

“We’re now working together with other government agencies to make it happen,” ayon kay Tiu-Laurel.

Samantala, inaasahan naman ng DA na handa na ang blueprint sa susunod na taon upang ang pagpopondo sa proyekto ay maaaring isama sa 2026 budget proposal ng departamento. Kris Jose