Home ENTERTAINMENT Tuesday, nagbitiw sa Your Honor; Chariz, pumalit!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Tuesday, nagbitiw sa Your Honor; Chariz, pumalit!June 12, 2025 15:03 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Mental health.Ito ang ibinigay na dahilan ni Tuesday Vargas sa likod ng kanyang pagbibitiw sa online program na Your Honor.Ang Your Honor ay ang podcast nila ng kasamang si Buboy Villar sa YouLOL, ang YouTube comedy channel ng GMA, Spotify at Apple.Maayos namang nagpaalam si Tuesday who was immediately replaced by Chariz Solomon.Hindi na strangers kumbaga pagdating sa trabaho sina Buboy at Chariz.Dati na rin kasi silang magkasama sa Tahanang Pinakamasaya.Sa ngayon, they’re working together in Bubble Gang.Kung chemistry nga ang pag-uusapan ay gamay na nila ang isa’t isa.Pormal na iwewelkam si Chariz sa June 14 episode nito.Masaya raw ang komedyana dahil kabilang siya sa second season nito.Samantala, bayad na ba sina Buboy at Chariz ng kanilang TF sa TP na pinrodyus ng Tape Inc.?O nganga pa rin sila like all its other former hosts? Ronnie Carrasco III