Home NATIONWIDE Nationwide gun ban kinalos na ng PNP

Nationwide gun ban kinalos na ng PNP

MANILA, Philippines- May kabuuang 3,616 indibidwal, kabilang ang mga dayuhan at miyembro ng law enforcement agencies, ang nadakip sa five-month implementation ng nationwide gun ban para sa midterm elections, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Kinalos ang gun ban, nagsimula noong Jan. 12, nitong Miyerkules, June 11, kung saan nasabat ang kabuuang 3,702 firearms kabilang ang 1,317 revolvers; 1,057 pistols; 28 rifles; 28 shotguns; at 908 na antukoy na other firearms. 

“We will not let up. The conclusion of the gun ban marks a transition, not an end. The PNP remains committed to sustaining peace, preventing gun-related violence, and protecting every Filipino from crime and lawlessness,” pahayag ni PNP chief, Gen. Nicolas D. Torre III.

Iniugnay ni Torre ang pagkakaaresto at pagkumpiska sa pagsasagawa ng checkpoints at strategic police operations.

Batay sa PNP data, may kabuuang 998,679 checkpoints ang isinagawa sa buong bansa mula nang magsimula ang gun ban noong Jan. 12.

Nagresulta ang checkpoints sa 265 arrests habang 1,879 indibidwal ang nadakip sa police response operations.

Sa 3,616 nahuling indibidwal, 3,462 ang sibilyan; 61 ang security guards, 16 ang foreign nationals; 21 ang police personnel; 19 ang sundalo, 14 ang elected government officials, pito ang mula sa iba pang law enforcement agencies habang tatlo ang children in conflict with the law.

Nakapagtala ang NCRPO ng pinakaraming nadakip na indibidwal sa 1,271, sinundan ng Region 3 sa 435, Region 7 sa 429, at Region 4A sa 336. RNT/SA