Manila, Philippines- Napaka-harsh naman ng ilang bashers ni Heart Evangelista.
Not necessarily supporters of Pia Wurtzbach–or not at all–pamemersonal na kasi ang ginagawa nilang pang-ookray sa misis ni Senate President Chiz Escudero.
Ang napagtitripan ng mga bashers ay ang pagrampa ni Heart sa Paris, o ‘yung simpleng paglalakad lang niya sa kalsada.
As expected, Heart does not go around dressed to the nines.
Kung ang tingin ng marami’y highly fashionable si Heart, there are others who believe otherwise.
Kesyo she’s too old na raw to do “street modeling.”
Bale ba, napansin din ng mga bashers ang mga kasuotan ni Heart na hindi bagay sa kanya.
Isa na rito ang suot niyang above-the-knee skirt.
Dahil exposed nga ang kanyang tuhod, sey ng mga baahers ay ‘di hamak na mas maganda pa raw tingnan ang bulalo!
Ano nga ba ang tawag sa pamimintas bordering on the personal?
Ad hominem!
Tumpak–ganito ka-cruel o kabangis ang inaabot na pang-ookray ni Heart sa kanyang mga bashers! Ronnie Carrasco III