Home METRO Tulak, huli sa Malabon drug bust

Tulak, huli sa Malabon drug bust

MANILA, Philippines – Arestado ang isang listed drug pusher matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Martes ng gabi, Hunyo 24.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Toto Tae”, 36, ng Block 12 Lot 27 Dagat-Dagatan Brgy. Longos.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Arnold Abad, sinabi ni Col. Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyonsa PDEA laban sa suspek.

Dakong alas10:35 ng gabi nang makipag-transaksiyon umano ang suspek sa isang undercover police na nagpanggap na buyer sa kanto ng P. Aquino at Sanciangco Sts., Brgy. Tonsuya na nagresulta sa kanya.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 5.1 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,680 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Ptosecutor’s Office. Merly Duero