Home METRO Tulak kalaboso sa P2M shabu

Tulak kalaboso sa P2M shabu

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki nang makunan ng lagpas P2 milyong halaga ng shabu sa Caloocan.

Nakipag-reunion sa mga dating kasama sa kulungan ang suspek na si Joven Kadingas.

Inginuso ang iligal na gawain ng suspek at nang makumpirma ay nagsagawa ng operasyon laban sa kanya sa Barangay 116, ng lungsod.

Aabot sa 300 gramo ng shabu ang nasamsam sa dinakip na dati nang nahuli sa paggamit ng droga noong 2019. Merly Iral

Previous articlePanukalang magpapalakas sa parent-teacher community associations, pasado na sa Kamara
Next articlePanukalang magpapalawak sa Pisay system aprubado na sa Kamara