Home METRO Tulak na iniuugnay kay Kerwin Espinosa, patay sa buy-bust

Tulak na iniuugnay kay Kerwin Espinosa, patay sa buy-bust

MANILA, Philippines – Patay ang hinihinalang drug pusher na may kaugnayan kay self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa, nang mabaril sa isang buy-bust operation sa Ormoc City, Leyte nitong Linggo, Marso 3.

Kinilala ni Police Major J-Rale Paalisbo ng Regional Police Drug Enforcement Unit ang suspek na si Sonny Aldamia, alyas Sonny Vidal, residente ng Purok 4, Barangay Bagong Buhay, Bliss, Ormoc City.

Nakabili ng shabu ang poseur-buyer mula sa suspek ngunit nang makatunog ito na pulis ang katransaksyon ay tumakbo ito papasok ng kanilang bahay.

Kumuha ng baril ang suspek at pinaputukan ang arresting officer. Dahil dito ay kinailangang gumanti ng putok ng pulis.

Dinala sa ospital si Aldamia ngunit binawian din ng buhay.

Narekober mula sa suspek ang 14 na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000 at baril.

Si Aldamia ay ang No.1 Regional Priority Target List ng Police Regional Office-8. RNT/JGC

Previous articleMIAA umamin: Daga, ipis, surot dahil sa kapabayaan
Next articleGroundbreaking ng SHC sa Mountain Province, pinuri ni Bong Go