TACLOBAN CITY- Nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon mula sa isang drug pusher sa buy-bust operation sa lugar na ito nitong Miyerkules.
Kinilala ng mga pulis ang suspek bilang isang high-value target na si Budoy, 37, ng Palompon, Leyte.
Nakuhanan si Budoy ng 1.38 kilo at transparent plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at caliber 9mm pistol na may mga baril.
Nahaharap ang suspek sa drug-related charges at sa kasong paglabag sa election gun ban. RNT/SA