Home METRO Tulak timbog, 4 pa damay sa drug buybust sa Maynila

Tulak timbog, 4 pa damay sa drug buybust sa Maynila

MANILA, Philippines – LIMANG indibidwal kabilang ang target ng operasyon ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcrment Unit (SDEU) ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, sa inilatag na buybust operation sa Algeciras malapit sa Maria Clara Streets, Sampaloc, Manila madaling araw nitong Lunes, Setyembre 4.

Kinilala ang target ng operasyon na si Baby Boy Arcega alyas “Baloloy” 35-anyos, may live-in partner ng Barangay 483, Sampaloc.

Samantala, sa naturang buybust operation, damay din sina alyas “Gin-Ging,” 35 ; alyas “Junel”, 21; alyas “Leo” 19; at si alyas “Dong” 54 anyos.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, Station Commander, bandang 1:30 ng madaling araw, nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang nasabing buybust sa naturang lugar.

Pinangunahan ito ni Police Captain Agopito Castro, hepe ng SDEU, kasama sina Police Staff Sargent Mikko Atienza; Police Corporal Arvin Flores; Patrolman Alvin Olitres at Police Corporal Julius Christopher Dela Cruz.

Isang poseur buyer na pulis ang nagpakilalang buyer, nang magkaabutan ng marked money kapalit ng droga, isang senyas ang naging hudyat para dambahin ang mga suspek.

Narekober kay alyas “Baloloy” ang 7 nasa plastic sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa 5 gramo, katumbas ng halagang P34,000.00

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug of 2002) ang mga natimbog na suspek. Rene Crisostomo