Home NATIONWIDE 5 international flights kanselado sa masamang panahon

5 international flights kanselado sa masamang panahon

MANILA, Philippines – Kanselado ang limang international flights mula Pilipinas dahil sa masamang panahon ngayong Lunes, Setyembre 4, ayon sa Manila International Airport Authority.

Ang mga kanseladong flight ay ang Philippine Airlines (PR) 334 Manila-Xiamen; PR 335 Xiamen-Manila; Xiamen Airlines (MF) 819/820 Xiamen-Manila-Xiamen; Cebu Pacific (5J) 311 Taipei-Manila.

Ayon sa PAGASA, magdudulot pa rin ng malalakas na pag-ulan dahil sa habagat ang bagyong Hanna bagamat nakalabas na ito ng Philippine area of responsibility o PAR.

Nitong Lunes ng umaga ay tumama sa Kaohsiung City sa Taiwan ang bagyo, o 265 kilometro hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes. RNT/JGC