Home ENTERTAINMENT Maricel, ‘di nanonood ng BQ!

Maricel, ‘di nanonood ng BQ!

Manila, Philippines – Ang inakala nating masugid na tagapanood ng TV adaptation ng kanyang lumang pelikula ay wala palang panahong tumutok.

Ito ang inamin ni Maricel Soriano sa vlog interview ni Isko Moreno.

Naitanong kasi ni Isko kung natutunghayan ba ng binansagang Diamond Star ang Batang Quiapo, ang seryeng pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Sa film version kasi nito’y sila ni Fernando Poe Jr. ang bumida.

Siyempre nga naman, marami ang nag-iisip kung curious si Maricel sa TV version nito.

Sad to say, ani Maricel: “Ay, wala akong masasabi kasi hindi ko siya pinanonood! Hindi ako nanonood ng TV!”

Wala nga naman siyang point of comparison simply because she’s a no TV person.

Eh, paano ang mga teleseryeng nilalabasan niya mismo, dedma rin si Maricel?

One thing’s for sure, mas lalong walang kapana-panahon si Maricel sa kanyang mga bashers.

Katwiran niya sa kanyang ‘di pagsagot whenever bashed: “Baket, kilala ko ba sila?! Why will I give them the satisfaction na patulan sila?!”

Samantala, Maricel is pinning her hopes na mapili sa second set ng official Metro Manila Film Festival entries ang reunion movie nila ni Roderick Paulate.

Mukhang heavy drama ang pelikula nilang In His Mother’s Eyes.

Kapag nagkataon, in the race ang mga entries nina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel at Sharon Cuneta na kabilang sa first four MMFF entries. Ronnie Carrasco III