Home METRO Tulak timbog sa P200K na droga

Tulak timbog sa P200K na droga

293
0

MANILA, Philippines – NASAKOTE ang isang kelot na sangkot sa iligal na pagbebenta ng shabu matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa suspek sa Valenzuela City, Linggo ng umaga.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na kinilalang si Michael Caganda y Cabreros alyas “Michael”, 49, residente ng no. 7 Sixto St., Barangay Gen T De Leon ng nasabing lungsod.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg Carlos Erasquin Jr, dakong alas-5:20 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joel Madregalejo laban sa suspek sa Villa Marta Compound, Diam St., Brgy. Gen T De Leon.

Sa ulat ng pulisya, isang undercover na pulis ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at makabili ng iligal na droga.

Nang ibigay ng suspek ang binili ng undercover na pulis na iligal na droga agad itong inaresto ng iba pang operatiba na nakapaligid sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang anim na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng di umano’y shabu na nasa 30 gramo at tinatayang nasa P204.000 ang halaga, isang genuine P500 pesos na may kasamang 10 pirasong P1,000 peso bill boodle money, P150 pesos, Nokia cellphone at brown coin purse.

Mahaharap ang suspek sa kasong violation of section 5 and 11 under Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutors Office.(R.A Marquez)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here