Home NATIONWIDE Tulong, proteksyon para sa OFWs sa Taiwan sa gitna ng umiigting na...

Tulong, proteksyon para sa OFWs sa Taiwan sa gitna ng umiigting na tensyon tiniyak ng DMW

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang buong kahandaan nitong i-activate ang contingency plan nito para tulungan at protektahan ang overseas FIlipino workers (OFWs) sa Taiwan habang patuloy na tumitindi ang tensyon sa China.

Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang DMW ay nasa malapit na koordinasyon kay Manila Economic and Cultural Office Chairperson at Resident Representative Cheloy Garafil upang agad silang tumugon sakaling lumala ang sitwasyon.

Sinabi ni Cacdac na ang DMW sa koordinasyon sa MECO at Migrant Workers Offices (MWOs) sa Taiwan ay mahigpit na binabantayan ang sitwasyon.

Ayon kay Cacdac, mayroong 250,000 Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden