Home ENTERTAINMENT Klarisse, nag-out na sa PBB!

Klarisse, nag-out na sa PBB!

Manila, Philippines- Sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother, hindi lang ang noo’y si Rustom Padilla ang lumantad ng kanyang sexual orientation.

Sa ngayon, ang dating Viva actor ay kilala na bilang si BB Gandanghari.

Ito rin ang landas na piniling tahakin ng The Voice of the Philippines 1st runner-up na si Klarisse da Guzman.

Isa ang singer ss mga housemates ng PBB Celebrity Collab.

Sumalang si Klarisse sa ‘ika nga’y confession kay Michelle Dee.

May kinalaman ‘yon sa mga nais ng mga PBB housemates kung ano ang kanilang ibabahagi.

Aminado si Klarisse na nagdadalawang-isip siya noong lumahok sa PBB.

In-anticipate na niya raw kasi na mangyayari ang pangungumpisal niya.

Takot daw ang umiral sa kanya sa llang mga dahilan.

Baka raw kasi siya husgahan o hindi matanggap ng publiko.

Worse, baka raw magkaroon ng epekto sa kanyang career ang gagawing pag-amin.

Klarisse described her coming out a “liberating experience.”

Four years na pala sila ng kanyang partner na si Christrina o Trina.

Alam daw ito ng kanyang pamilya’t mga kamag-anak, so do the people from Trina’s side.

Pagkatapos ngang umere nitong April 2 ang episode na ‘yon ay nag-post si Trina sa kanyang social media account, saying how proud she is of Klarisse.

Sa hanay ng mga local female singers natin, so far, ang mga nag-come out ay si Aiza (now Ice) Seguerra, si Sherylyn Reyes at si Charice Pempengco who’s now more popularly known as Jake Zyrus. Ronnie Carrasco III