Home METRO Tumakas na presong 23 taong nagtago arestado

Tumakas na presong 23 taong nagtago arestado

BACOLOD CITY- Nasakote ang isang 46-anyos na obrero sa Sitio Bunga, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental, nitong Sabado, matapos ang 23 taong pagtatago kasunod ng pagtakas nito mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan.

Sinabi ni Police Major Romulo Gepilango, Moises Padilla police chief, na nadakip ang pugante na kinilalang si Niño, ng mga awtoridad habang nagtatrabaho ito sa tubuhan.

Inihayag ni Gepilango na tumakas si Niño, nagsisilbi ng sentensya para sa pagnanakaw, noong Sept. 9, 2002. 

Aniya, nakipag-ugnayan ang Bureau of Corrections (BuCor) sa Negros Occidental Provincial Intelligence Unit na tumunton sa tumakas na preso sa kanyang bayan.

Inisyu ng Cadiz City, Negros Occidental Regional Trial Court Branch 60 ang arrest warrant ni Niño noong June 8, 2000.

Sinabi ni Gepilango na ibabalik si Niño sa Palawan upang ipagpatuloy ang pagsisilbi ng kanyang sentensya. RNT/SA