Home NATIONWIDE Tingin ng mayorya ng Pinoy sa PH politics ‘magulo’ – sarbey

Tingin ng mayorya ng Pinoy sa PH politics ‘magulo’ – sarbey

MANILA, Philippines- Lumabas sa resulta ng February 2025 “Pulso ng Bayan” Survey na inilarawan ng 37.9 porsyento ng respondents ang Philippine politics na “magulo.”

Iniugnay naman ng 17.3 porsyento ng respondents ang Philippine politics sa korapsyon o “pera-pera lang.”

Tanging 4.2 porsyento ng registered voters ang naglarawan sa Philippine politics na “maayos.”

Lumabas sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Feb. 20 hanggang 26 ang “negatibong” pagtingin sa Philippine politics ng maraming Filipino registered voters, kung saan mayorya ang naglarawan dito bilang “magulo.” RNT/SA