Home METRO Tumanggi sa alok na sex, kelot tinarakan sa leeg

Tumanggi sa alok na sex, kelot tinarakan sa leeg

MANILA, Philippines- Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City, Sabado ng madaling araw.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si Wilson Arenas, 50, ng M. Blas Brgy. Hulong Duhat.

Sa pinagsamang imbestigasyon nina PSSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc, lasing ang biktima at habang naglalakad ito sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. Flores pauwi ay nilapitan siya ng isang hindi kilalang babae at inalok umano ng sex dakong ala-1:50 ng madaling araw.

Gayunman, tumanggi ang biktima subalit bigla na lamang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at walang sabi-sabing sinaksak sa leeg si Arenas bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon sakay ng isang bisikleta,

Isinugod naman ng concerned citizen ang biktima sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC hospital habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. Rene Manahan

Previous articleUS, DOTr magkatuwang sa modernisasyon ng vessel management, pagsawata sa signal jamming sa PH waters  
Next articlePag-aaral ng mga estudyante ‘di maapektuhan ng pagbabalik sa dating school calendar – VP Duterte