MANILA, Philippines – Ipinagharap ng reklamo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) si incumbent Rep. Jinky Bitrics Luistro na tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Batangas dahil sa paglabag sa mga panuntunan kaugnay sa May 12 elections.
Sinabi ni dating Congressman Raneo E. Abu na dalawang reklamo ang kanyang inihain sa Task Force SAFE ng Comelec laban kay Luistro kabilang dito ang paglabag sa anti-discrimination and fair campaigning guidelines at pag-abuso sa paggamit ng state resources na inilabas ng Comelec.
Bagamat ipinagbabawal na simula Marso 28 ang presensya ng mga kandidato sa distribusyon o payout ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Enployment (DOLE) ay nagawa pang magtalumpati o magsalita ni Luistro sa isang akribidad.
Sa tatlong magkahiwalay na pagkakataon noong Marso 31, Abril 22 at Abril 24, 2025 ay nilabag umano ni Luistro ang Section 261 (j) ng Omnibus Elections Code.
Ayon kay Abu, nakita mismo sa Facebook page ni Luistro ang lantarang pamamahagi ng ayuda nito.
Ito ay ginagawang ebidensya ni Abu at ginawang basehan para sa paghahain nila ng reklamo sa Comelec.
Sa paglabag sa fair and anti-discriminatry guidelines ng Comelec, idinidikit umano siya sa mga terrorista kung saan idinadagdag sa kanyang apelyidong Abu ang salitang “sayyaf” na direktang iniuugnay sa Abu Sayyaf Group.
“It has come to my knowledege thaht JInky Bitrics Luistro has violated the fair and anti-discriminatort guidelines of Comelec by directly associatin me to a terrorist organization, partikularly by adding the word “sayyaf” to my family name thereby directly linkin m to the Abu Sayyaf Group. Her actions have violated my rght to be safe,” saad ni Abu.
Panawagan ni Abu sa Comelec, na sana ay madesisyunan nang maaga ang kanyang reklamo lalo na’t kakaunti na lamang ang panahon.
Sa kanyang katunggali, binigyang-diin ni Abu na huwag sanang bastusin ang batas na dapat siya ang unang nangangalaga bilang isang abogada.
Si Abu ay tumatakbo ring Kongresista ng nasabing distrito. Jocelyn Tabangcura-Domenden