Home NATIONWIDE Tumpok ng ipis sa MRT-3, nakuhanan ng commuter

Tumpok ng ipis sa MRT-3, nakuhanan ng commuter

205
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng pamunuan ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 ang isang viral na social media post tungkol sa umano’y maliliit na ipis na nakita sa loob ng isang bagon ng tren.

Ayon sa commuter na si Bayan Patroller Joy, nasa Taft Avenue Station siya nang makaramdam ng kagat ng insekto sa kanyang braso habang nakasandal sa handrail. Nang tingnan niya ito, nakita umano niya ang ilang insekto na nakasiksik sa pagitan ng handrail at upuan.

“I want to ask lang sana kung ano tong maliliit na parang ipis sa may parang sandalan dito sa bagon ng MRT 3? Kasi as mahilig pumuwesto dito at mahilig sumandal nagulat ako na parang may kumagat sa ‘kin tapos nung pag picture ayan sya parang maliliit na ipis,” ayon sa kanyang post sa Facebook group na “PAANO PUMUNTA: A Community Guide for Commuters.”

Naglabas naman ng Notice to Explain si MRT-3 General Manager Michael Capati laban sa Sumitomo Corporation na siyang maintenance provider ng MRT-3 system.

Ayon sa Department of Transportation, sumailalim na sa inspeksyon at disinfection ang nasabing train set ng maintenance team.

Tiniyak din ng ahensya sa publiko na patuloy nitong pinapalakas ang sanitation, disinfection, at pest control measures sa lahat ng bagon at istasyon ng MRT-3.

Dagdag pa nito, regular na isinasagawa ang paglilinis at inspeksyon bilang bahagi ng maintenance program ng tren sa pakikipagtulungan sa Sumitomo Corporation. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here