MANILA, Philippines – Kung pagbabasehan ang teorya ni Senador Sherwin Gatchalian na base sa dokumento ng pamilya ni Bamban Mayor Alice Guo tulad ng pig farm at embroidery shop malapit sa tahanan ng mambabatas sa Valenzuela—na ina nito ang isang Chinese passport holder na may pangalang Wenyi Lin.
Base sa ulat ni Mav Gonzales sa 24 Oras ng GMA, ipinakikita ng dokumento nito ang pangalan ng alkalde at ama nitong si na Jian Zhong Guo, at dalawang kapatid at isang “Wenyi Lin.”
“Sa family business niya, itong si Wenyi andun lahat. Consistent. At nung tinignan namin yung travel records, yung tatay niya si Guo Jian Zhong and Wenyi traveled 170 times in a span of six years. So madalas silang bumibiyahe as a couple,” ayon kay Gatchalian.
“Ang personal analysis ko baka ito yung biological mother niya,” giit niya.
Naunang inihayag ni Guo na isang Filipino house helper na si Amelia Leal ang kanyang tunay na ina na siyang nakatala sa birth certificate.
Isang retiradong hukom ng Supreme Court ang naunang nagsabing na nakabase sa pagiging Filipino citizenship ni Guo sa pagkakakilanlan ng kanyang ina.
Pero, iginiit ni Gatchalian na maaaring isang Chinese citizen ang biological mother ni Guo base sa records ng Bureau of Immigration.
Ipinaliwanag pa ni Gatchalian na kapag napatunayan ang citizenship ni Guo, magkakaroon ito ng implikasyong legal sa kanyang pasaporte at kandidatura.
“Parang pinapakilalang nanay niya sa mga taga-doon sa Valenzuela. So ako ang personal assessment ko, this might be the biological mother ni Alice Guo,” ayon kay Gatchalian.
Idinagdag pa niya na hindi basta lamang sa citizenship ni Guo ang imbestigasyon kundi matukoy kung saan nanggaling ang bilyong halaga ng puhunan sa POGO hub sa Tarlac na galing umano ang negosyo nito na hindi nila kinikita. Ernie Reyes