Home METRO “Tunay na pagbabago, dapat magsimula sa bawat Pilipino” – Bishop Cortes

“Tunay na pagbabago, dapat magsimula sa bawat Pilipino” – Bishop Cortes

323
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Bishop Julito Cortes ng Diocese of Dumaguete ang mga mananampalataya noong Linggo na labanan ang katiwalian sa pamamagitan ng pagsisimula sa self-conversion at pagyakap sa tunay na pagbabago.

Aniya, ang maliliit na kasinungalingan, panlilinlang at pagnanakaw sa maliliit na opisina ay maaaring humantong sa mas malalaking uri ng katiwalian sa mas mataas na antas.

Sinabi ni Cortes na ang tunay na pagbabago ay hindi nakasalalay sa gobyerno lamang, ngunit dapat magsimula sa bawat Pilipino.

Naglabas nang pahayag ang diyosesis laban sa katiwalian, na nananawagan para sa mabuting pamamahala habang tinatanggihan ang karahasan dahil ang bansa ay nalulubog sa mga kontrobersiya tulad ng mga anomalya sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha.

Sabay-sabay na pagbasa ng pahayag ang idinaos sa lahat ng parokya sa diyosesis, na sumasaklaw sa Negros Oriental at Siquijor, pagkatapos ng 6 a.m Linggo na misa.

Sinabi ng prelate na ito ay produkto ng Circle of Discernment ng diyosesis na binubuo ng mga pinuno ng simbahan at sektoral at iba pang mga tao na “nag-ambag sa kung ano ang kailangan nating gawin bilang isang simbahan.”

Ayon sa Obispo, bagamat  marami na ang “mga boses ng pulitika” na nagra-rally para sa pagbabago, kailangan ding magsalita at marinig ng Simbahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here