Home METRO Mga nagprotesta sa Albay, pinauuwi si Zaldy Co

Mga nagprotesta sa Albay, pinauuwi si Zaldy Co

281
0

ALBAY, Philippines – Hiniling ng mga nagpoprotesta na nakiisa sa solidarity march noong Linggo dito kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na umuwi sa gitna ng mga kuwestiyonableng budget insertion at maanomalyang mga public works projects na iniuugnay sa kanya.

Sinabi ni Fr. Ronald Balase ng Redemptorist Church sa lungsod na ito, nakikiisa sila sa panawagan ng mga taga-Albay, lalo pa’t nakakahiya na ang isa sa malaking akusado ay “anak ng Albay.”

“I also heard the youth saying Co should come home, and that’s important, and it’s time for him to face whether the claims are true or not,” aniya.

Ayon kay Demetrio Jose Rizalino Reynoso III, 68, miyembro ng isang consumers’ rights watch sa Bicol, kung naiuwi ng gobyerno ang ilang lokal na opisyal na nahaharap sa mga kaso, dapat din nilang gawin ito kay Rep. Co, na iniulat na nagpapagamot sa Estados Unidos.

Mahigit 2,000 estudyante, grupo ng relihiyon, at mga tagapagtaguyod ng karapatan ang sumali sa protesta, na nagsimula sa isang banal na misa sa Redemptorist Church sa Barangay Gogon bandang alas-9 ng umaga at sinundan ng martsa patungo sa Battle of Legazpi Monument sa gitnang distrito ng lungsod.

Ayon naman kay Joanne Princess Joson, 20, isang third-year student ng Bicol University, ang pagsali sa protesta ay naging mas makapangyarihan upang ipakita kung paano nadidismaya ang kabataan sa sistematikong korapsyon at kawalan ng hustisya sa gobyerno.

“I think it’s not enough that we’re like trapped in an echo chamber inside social media. As students, we make use of the space and proper channels to communicate what we feel,” aniya.

Sinabi ni Owen del Castillo, isang guro sa isang Catholic school, dapat managot ang lahat ng sangkot sa malawakang korapsyon, at walang dapat iligtas.

“As a taxpayer, I have the right to demand that my taxes go towards proper and meaningful projects, not into the pockets of corrupt government officials,” aniya.

Hinimok naman ni Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi ang publiko na lumabas sa mga lansangan at sumigaw ng mga protesta at pagkondena.

Hinimok din niya ang publiko na magbago at magmuni-muni sa pagiging instrumento ng tiwaling sistema, lalo na sa panahon ng halalan, at maging tahimik kapag kumakalat ang kasinungalingan at pekeng balita.

“We too sell our nation’s soul by selling our votes and allowing corrupt practices in our barangays, offices, even in our churches. We, too, have become the instruments of the very evil we want to eradicate in our midst! We too—each one of us, you and me—need to change,” saad ni Baylon sa isang pahayag.

Sa Naga City sa Camarines Sur, sinunog ng mga nagprotesta sa Rizal Plaza ang mga larawan ng mga opisyal na sangkot sa maanomalyang flood control projects. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here